Suki Forum « Forum « General Information « News « Selda ni Ping handa na
Pages: [1]   Go Down
  Print  
Author Topic: Selda ni Ping handa na  (Read 225 times)
Global Moderators
*****
Posts: 6,847
« on: 02/07/10 12:53:14 »

  Updated February 07, 2010 12:00 AM

MANILA, Philippines - Hindi pa man nadarakip si Senador Panfilo Lacson, inihanda na ng National Bureau of Investigation ang bagong pinturang kuwarto na magsisilbing selda nito.

Bukod sa bagong pintura, may sariling banyo, kama, aircondition at receiving area ang nasabing selda.

Ayon kay NBI Director Nestor Mantaring, ibibigay kay Lacson ang konsideras­yong ibinigay ng gobyerno kina dating P/Sr.Supt. Cesar Mancao at Supt. Glenn Dumlao. Pero nangako din si Mantaring na hindi bibigyan ng VIP treatment si Lacson kahit pa ito ay mataas na opisyal ng gobyerno.

Kahapon ay ipinadala ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa kanilang Regional Offices ang warrant of arrest laban kay Lacson para maisilbi sa mga bahay nito sa BF Homes sa Parañaque City at sa Imus, Cavite sakaling nagtatago dito ang naturang Senador.

Una nang tinungo ng NBI para bigyan ng kopya ng warrant of arrest ang sa opisina ni Lacson na naka-padlocked umano. Nagtungo din ang NBI sa bahay ni Lacson sa Ayala, Alabang sa Muntinlupa City.

Inihayag naman ni Sr. Supt. Benito Estipona, Chief ng Operations ng PNP-CIDG na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Center for Transnational Crime (PCTC) ng PNP sa 180 bansa na miyembro ng Interpol para sa mabilisang ikaaaresto ni Ping.

Si Ping ay sinasabing nagtago sa batas matapos itong pumuslit patungong Hong Kong noong Enero 5 at huling napabalitang nagtatago na sa Australia.

Samantala, handa na rin ang Department of Foreign Affairs na kanselahin ang pasaporte ni Lacson sa oras na magpalabas ng kautusan ang Manila Regional Trial Court.

Ayon kay DFA Spokesperson Ed Malaya, handa na ang tanggapan na ma­kipag-ugnayan sa gobyerno ng Australia, Hongkong o anumang bansa na posibleng pinagtataguan ni Lacson para ma-extradite ito.

Inamin naman ni Malaya na maaaring mahirapang mapabalik sa bansa si Lacson kung ito ay nagtatago sa mga bansang walang umiiral na extradition at maaaring kumuha dito ng asylum para sa kanyang proteksiyon.

Sa ngayon ay biniberipika ng Department of Justice ang bansang pinagtataguan ni Lacson lalo pa at walang konkretong impormasyon ang gobyerno sa kinaroroonan nito.

link:  http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=547297&publicationSubCategoryId=92
Logged

If you do not think about the future,you cannot have one.
Pages: [1]   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by SMF 1.1.11 | SMF © 2006-2009, Simple Machines LLC | TinyPortal | DzinerStudio | 2by2host | SMFBlog | SMF Classifieds
Copyright © 2008 Suki Forum. All other trademarks and copyrights are properties of their respective owners.
Home | About | Contact | Privacy Policy | Terms of Service | Sitemap